Filipino Pinoy Recipe: Asadong Hipon

 

½ kilong hipon, malalaki
½ tasang toyo
½ kutsaritang paminta
2 kutsarang suka
¼ tasang gawgaw
1/3 tasang langis
1 malaking sibuyas

Linising mabuti ang mga hipon. Iwang nakakabit ang buntot at ang ulo. Talupan. Ibabad sa pinaghahalong toyo, suka at paminta ng mga isang oras. Painitin ang mantika. Ilubog ang mga hipon sa gawgaw at iprito sa mainit na mantika. Hanguin kung mapula na. patuluin ang mantika. Ihaing may kasabay na sarsa na niyari sa pinagbabaran ng mga hipon at sibuyas na hiniwa ng pabilog.