Filipino Pinoy Recipe: Calamares

 

1 kilong pusit
1 kutsaritang asin
1 kutsaritang pamintang durog
1 kutsaritang betsin
2 itlog
1 tasang arina
2/3 tasang tubig
1 maliit na sibuyas, tinadtad
1 ulo ng bawang, tinadtad
mantika pamprito
parsley (pwedeng wala)

Linisin maigi ang posit at hiwa-hiwain ng pahalang. Timplahan ng asin, paminta at betsin.ilagay sa isang tabi. Sa isang mangkok, batiin ang itlog at idagdag ang arina at tubig hanggang malusaw ang arina. Idagdag ang ibuyas at bawang. Magpainit ng kawali pamprito. Isawsaw ang pusit sa pinaghalong sangkap. Prituhin ang pusit ng lubog sa mantika ng 3-4 minuto o hanggang ito’y lumutong. Patuluin ang sobrang mantika. Iayos sa plato at palamutian ng parsley.

 

Tagalog Recipes