Filipino Pinoy Recipe: Daing na Bangus

 

1 bangus (hiniwa ng pang-daing)
1 buong bawang, pinitpit
1 tasang suka
½ kutsarang paminta, asin

Sa isang lalagyang plastic, ibabad ng magdamag ang bangus sa suka na mayroong bawang at paminta. Timplahan ng asin. Kung lulutuin na, magpainit ng kawali na may sapat na dami ng mantika upang lumubog ang bangus. Ihaing kasama ang mainit na sinangag. Suka ang mainam na sawsawan para sa daing na bangus.

 

Tagalog Recipes