Filipino Pinoy Recipe: Ensaladang Hipon

 

1 puswelong hipon (halabos)
2 mansanasna pula
1 pipino,maliit
5 dahon ng letsugas
1 puswelong suka
1 kutsarang asukal
kaunting asin

Talupan ang hipon. Hiwaing pakuwadrado ang mansanas at ibabad sa tubig na may katas ng kalamansi. Talupan ang pipino. Hiwaing maninipis na pabilog. Hiwaing pino ang letsugas. Timplahan ng suka, asukal at asin. Palamigin ang pinaghalong letsugas, mansanas, pipino at hipon. Bago kainin ay ibuhos ang tinimplahang suka.

 

Tagalog Recipes