Filipino Pinoy Recipe: Ensaladang Isda

 

 

1 malaking lapu-lapu o apahap
1 kutsarang katas ng kalamansi
1 tasang patatas, nilaga at kudra-kudrado
1/3 tasang tinadtad na sibuyas
1 tasang celery, tadtarin
1 ½ tasang pickle relish
2 itlog, nilaga at tinadtad
½ tasang sugar beets, ilaga at kudra-kudraduhin

Ilaga ang isda, himayin ang laman. Iwang buo ang tinik, ulo at buntot. Ihalo sa hinimay ang katas ng kalamansi. Pagsama-samahin ang lahat ng mga sangkap. Ihalo rin ang mayonesa. Ihalo sa hinimay na isda. Ibalik sa isda ang lahat ng mga pinaghalu-halo at hubuging parang isda. Gayakan ng pickles, itlog at beets.

 

Tagalog Recipes