Filipino Pinoy Recipe: Ensaladang Tuna

 

1 tuna (17 onsa)
2 maliliit na patatas, ilaga at hiwain
1 pulang mansanas, alisin ang ubog at kudra-kudraduhin
1 repolyo banlian at gayatin
1 kalamansi
paminta at asin
asukal, mayonesa

Patuluin ang tuna. Ilagay sa salaang aluminyo saka buhusan ng mainit sa tubig. Himayin ang tuna. Pagahalu-haluin ang repolyo, patatas, mansanas at tuna. Isama ang katas ng kalamansi, paminta, asin, asukal at mayonesa. Haluin upang magkahalu-halo ang mga sangkap. Ilagay sa mangkok at gayakan ng ibig na gayak. Ihaing malamig.

 

Tagalog Recipes: