Filipino Pinoy Recipe: Fish Burger

 

1 librang isda (matigas na laman)
1/3 tasang gatas
1 kutsarang parsley
¾ kutsaritang asin
tomato sauce
½ tasang biskotso
1 itlog
1 sibuyas (pino ang hiwa)
arina

Tadtarin ng pino ang isda matapos alisan ng tinik. Ilagay ang biskotsong dinikdik sa gatas at saka isama sa isdang hinaluan na ng itlog, sibuyas, parsley, asin at paminta. Bilu-bilugin ng katamtaman ang laki. Igulong sa arina at saka prituhin. Ihain ng mainit at may kasamang sawsawan.

 

Tagalog Recipes