2 dalag
1 malaking sibuyas
3 malalaking sili, hiwain ng pino
½ tasang suka
3 butil na bawang, dikdikin
3 hinog na kamatis
1 kurot na pamintang itim
1 tasang gata ng niyog
isang hiwa ng luya, hiwain ng pino, asin o patis, dahong gabi, mga itlog

 

Linising mabuti ang mga isda saka hiwaan ang likod. Iwang buo ang dalag (sa 3-4 na hiwa). Lagyan ng palaman ang loob saka kuskusin ng asin. Itabi sandali ang isda. Paghalu-haluin ang hiniwang sibuyas, paminta, bawang, kamatis, luya at binating itlog. ihalo rin ang paminta at asin o patis. Kung halung-halo na, gilitin ang dalag (sa 3-4 na hiwa). Lagyan ng palaman ang loob saka balutin sa dahong gabi. Iayos sa lutuan at isalin ang suka o katas ng kalamansi. Lagyan ng tubig, asin at gata ng niyog.