Filipino Pinoy Recipe: Hinurnong Isda

4 na gilit na isda
4 na kutsarang arina
1 kutsaritang asin
¼ kutsaritang paminta
2 kutsaritang mantikilya
¾ tasang serbesa
1 ½ kutsaritang Worcestershire sauce
½ kutsaritang pulbos na musta

Igulong sa asin at paminta ang mga gilit ng isda. Tunawin ang mantikilya sa baking dish. Iayos ang mga gilit ng isda sa ibabaw. Paghalu-haluin ang serbesa, sauce at mustasa saka isalin sa isda. Ipasok sa pugong may 375 oF ang init. Lutuin ng may 35 minuto (pahiran ng sarsa paminsan-minsan) saka hanguin.