Pinoy Recipe: Hipon Gambas

 

1 kilong sariwang sugpo
1 tasang tomato sauce
1 tasang tubig
2 kutsaritang betsin
3 tangkay na celery, hiwain
2 karot, hiwain
2 patatas, hiwain
1 sibuyas, tadtarin
asin, cooking oil
 
Igisa sa cooking oil ang sibuyas at celery. Ihalo ang tomato sauce at tubig. Isama ang iba pang mga sangkap maliban sa betsin. Takpan. Ipagpatuloy ang pagluluto ng 10-15 minuto. Ihalo ang betsin at asin.