Filipino Pinoy Recipe: Hipon w/ Mayonaise

 

3 malaking hipon, ilaga
1/3 tasang tinadtad na kamatis
1 kutsaritang tinadtad na sibuyas na mura
1 kutsarang pickle relish
1 nilagang itlog, tadtarin
¼ tasang mayonesa

Hiwain ang hipon sa likod. Alisin ang itim saka tadtarin ang laman.
Paghalu-haluin ang kamatis, sibuyas na mura, pickle relish, itlog at mayonesa. Ibalik sa balat ng hipon. Ihaing nasa pinggang may gayak na dahong letsugas.