Pinoy Seafood Recipe: Hito w/ Ampalaya

 

4 na hito, katamtaman ang laki
3 butil na bawang
6 na kamatis
2 sibuyas bumbay
3 ampalaya
 
Linising mabuti ang hito at postahin. Itabi. Hiwaing maliliit ang kamatis, sibuyas at ang ampalaya. Pitpitin ang bawang. Magsalang ng kawali,igisa ang bawang sibuyas at kamatis. Isunod ang hito. Timplahan ng patis. Lagyan ng 2 puswelong tubig. Takpan at bayaang kumulo. Kapag luto na ang hito ay isunod ang ampalaya. Pakuluan pauli. Ihaing mainit.