1 kanduli(katamtamang laki)
2 kamatis
2 butil na bawang
6 na dahong buro o sariwang mustasa
1 sibuyas
2 sampalok
3 kutsarang miso
2 kutsarang mantika
asin 

Alisin ang lansa ng kanduli sa pamamagitan ng abo at pagkatapos ay haplusan ng asin. Alisan ng hasang at mga palikpik. Hugasan at gilitin ayon sa nais na laki at asinan ng bahagya. Hiwaing maliliit ang sibuyas at kamatis at pitpitin ang bawang. Magsalang ng kawali at lagyan ng kaunting mantika. Isunod ang bawang, ang sibuyas, ang kamatis at miso.