Filipino Pinoy Recipe: Talakitok sa Miso at Mustasa

1 talakitok na katamtamang laki
2 kutsarang miso
2 kamatis
1 kutsarang mantika
ilang dahong mustasa
2 butil na bawang
½ sibuyas
asin

Alisan ng hasang at mga palikpik ang isdang talakitok. Gilitan ito ayon sa nais na laki. Hugasang malinis at asinan ng bahagya. Linisin ang mga dahon ng mustasa at putulin ayon sa nais na lalaki. Hiwaing maliliit ang kamatis at sibuyas. Pitpitin ang bawang. Magsalang ng kawali at lagyan ng mantika. Isunod ang pinitpit na bawang at sibuyas. Kapag namumula na ang bawang at sibuyas ay isunod ang kamatis at miso. Kapag bahagyang lanta na ang kamatis ay ilagay ang isda at dahon ng mustasa at sangkutsahin ang mga ito. Tubigan ayon sa nais na dami ng sabaw. Asinan ayon sa panlasa. Apuyan hanggang sa maluto.