Filipino Pinoy Recipe: Fish Fillet

 

2 katamtaman laking lapu-lapu o labahita
1 ½ tasang biskotso (bread crumbs)
½ tasang calamansi juice
3 binating itlog
asin, paminta, betsin
 
Linisin maigi ang isda at balatan. Tanggalan ng tinik ng isda. Hiwain ang laman ng maliliit na pahaba. Lamasin ng calamansi juice, asin paminta at betsin. Isawsaw ang isda sa itlog at biskotso. Prituhin ang isda. Ihaing kasama ang sweet and sour sauce sa tabi.

Sweet and Sour Sauce:

½ tasang tubig
2 kutsarang cornstarch
1 ½ kutsarang asukal
½ tasang pineapple juice
suka, toyo, margarina

Tunawin sa ½ tasang tubig ang 2 kutsarang cornstarch at 1 ½ kutsarang asukal. Haluing maigi hanggang lumapot. Idagdag ang ½ tasang pineapple juice. Timplahan ng suka, toyo at margarina Pakuluan sa mahinang apoy at halu-haluin ng 2 minuto.

 

Tagalog Recipes