Tagalog Pinoy Recipe: Inihaw na Sugpo (Shrimp Barbecue)

½ kilong sugpo
1 kutsaritang asin
½ kutsaritang paminta
1/4 tasang mantika
1 ulong bawang, dikdikin
 
Talupan ang mga sariwang sugpo, iwang nakakabig ang buntot. Hiwaan ang likod at alisin ang itim na bahagi. Timplahan ng mga pampalasa ang mga sugpo. Ilagay sa ihawan. Tunawin ang mantika at ilagay ang bawang. Isalin ang mantika at bawang sa mga tinimplahang hipon. Iihaw sa pugong may 400F ang init ( 3 pulgada ang layo sa apoy) at lutuin ng mga 10-15 minuto.